Mga Awit 28:4-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa,pagkat mga gawa nila'y pawang masasama.Parusa sa kanila'y iyong igawad,ibigay sa kanila ang hatol na dapat.

5. Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin,mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin;kaya't sila'y kanyang pupuksain,at hindi na muling pababangunin.

6. Si Yahweh ay dapat purihin!Dininig niya ang aking mga daing.

7. Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,tiwala ko'y sa kanya nakalagak.Tinutulungan niya ako at pinasasaya,sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.

Mga Awit 28