Mga Awit 25:20-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay,huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan,pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.

21. Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan,sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.

22. Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel,sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!

Mga Awit 25