Mga Awit 18:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Lumabas ang usok sa kanyang ilong,mula sa kanyang bibig ay mga baga at apoy.

9. Nahawi ang langit at siya'y bumabâ,makapal na ulap ang tuntungan niya.

10. Sa isang kerubin siya ay sumakay;sa papawirin mabilis na naglakbay.

11. Ang kadilima'y ginawa niyang takip,maitim na ulap na puno ng tubig.

Mga Awit 18