Mga Awit 18:15-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Dahil sa galit mo, O Yahweh,sa ilong mo galing ang bugso ng hangin;kaya't ang pusod ng dagat ay nalantad,mga pundasyon ng lupa ay nahayag.

16. Mula sa kalangitan, itong Panginoon,sa malalim na tubig, ako'y iniahon.

17. Iniligtas ako sa kapangyarihanng mga kaaway na di ko kayang labanan;

18. Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan,ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang.

19. Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan,ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan!

20. Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid,binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis.

21. Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod,hindi ko tinalikuran ang aking Diyos.

22. Lahat ng utos niya ay aking tinupad,mga batas niya ay hindi ko nilabag.

23. Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan,paggawa ng masama ay aking iniwasan.

24. Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya,sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala.

25. Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo,at napakabuti mo sa mabubuting tao.

26. Ikaw ay mabait sa taong matuwid,ngunit sa masama, ikaw ay malupit.

Mga Awit 18