Mga Awit 18:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, ika'y aking minamahal,ikaw ang aking kalakasan!

2. Si Yahweh ang aking batong tanggulan,ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan,tagapag-ingat ko at aking sanggalang.

3. Kay Yahweh ako'y tumatawag,sa aking mga kaaway ako'y inililigtas.Karapat-dapat purihin si Yahweh!

4. Ginapos ako ng tali ng kamatayan;tinabunan ako ng alon ng kapahamakan.

5. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan,nakaumang sa akin ang bitag ng libingan.

Mga Awit 18