4. Ang salita ko nga'y tapat, di tulad ng karamihan;tapat akong sumusunod sa utos mong ibinigay,ako ay umiiwas sa landas ng karahasan.
5. Lagi kong nilalakaran ang iyong daan,hindi ako lumihis doon kahit kailan.
6. Tumatawag ako sa iyo, O Diyos, sapagkat ako'y iyong sinasagot;kaya ngayo'y pakinggan mo ako at pansinin ang karaingan ko.
7. Ipakita mo sa akin ang kahanga-hanga mong pagmamahal,at ang iyong kanang kamay ang sa aki'y umalalay.
8. Ako'y bantayan mo, ang paborito mong anak,at palagi mong ingatan sa lilim ng iyong pakpak;
9. mula sa kuko ng masasama ako'y iyong iligtas.Napapaligiran ako ng malulupit na kaaway,
10. mayayabang magsalita, suwail at matatapang;