Mga Awit 148:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Purihin ang Diyos, nitong kalangitan,kayo sa itaas siya'y papurihan.

2. Ang lahat ng anghel, magpuri't magdiwang,kasama ang hukbo roong karamihan!

3. Ang araw at buwan, siya ay purihin,purihin din siya ng mga bituin,

4. mataas na langit, siya ay purihin,tubig sa itaas, gayon din ang gawin!

5. Siya ang may utos na kayo'y likhain,kaya ang ngalan niya ay dapat purihin.

6. Kanyang itinatag, kanilang kinalagyan,hindi magbabago magpakailanpaman.

7. Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan,maging dambuhala nitong karagatan.

8. Ulan na may yelo, kidlat pati ulap,malakas na hangin, sumunod na lahat!

Mga Awit 148