Mga Awit 147:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

4. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin,isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas,taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.

6. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas,ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak.

7. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin,purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.

Mga Awit 147