Mga Awit 147:13-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Pagkat mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,ang anak mo't mga lingkod, pinagpala niyang lahat.

14. Ginagawang mapayapa ang iyong hangganan,sa kaloob niyang trigo, bibigyan kang kasiyahan.

15. Kapag siya'y nag-uutos, agad itong natutupad,dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

16. Singkapal ng damit-tupa mga yelong pumapatak,para itong alikabok na sa lupa'y nalalaglag.

Mga Awit 147