Mga Awit 146:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Panig sa naaapi, kung siya'y humatol,may pagkaing handa, sa nangagugutom.Pinalaya niya ang mga nabihag;

8. isinasauli, paningin ng bulag;lahat ng inapi ay itinataas,ang mga hinirang niya'y nililingap.

9. Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan;tumutulong siya sa balo't ulila,ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.

10. Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh!Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili!Purihin si Yahweh!

Mga Awit 146