Mga Awit 145:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,

2. aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw,di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.

3. Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin;kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.

4. Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.

Mga Awit 145