Mga Awit 143:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Araw na lumipas, aking nagunita,at naalala ang iyong ginawa,sa iyong kabutihan, ako ay namangha!

6. Ako'y dumalangin na taas ang kamay,parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw. (Selah)

7. Nawala nang lahat ang aking pag-asa,kaya naman, Yahweh, ako'y dinggin mo na!Kung ika'y magkubli, baka ang hantunganako ay ituring na malamig na bangkay,at ang tunguhin ko'y madilim na hukay.

8. Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunitayaong pag-ibig mo na lubhang dakila.Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik,patnubayan ako sa daang matuwid.

9. Iligtas mo ako sa mga kalaban,ikaw lang, O Yahweh, ang aking kanlungan.

10. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuanna aking masunod ang iyong kalooban;ang Espiritu mo'y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan.

Mga Awit 143