Mga Awit 142:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O Yahweh, ako ay humingi ng tulong,ako'y maghihintay sa iyong pagtugon;

2. ang aking dinala'y lahat kong hinaing,at ang sinabi ko'y pawang suliranin.

3. Nang ako ay halos wala nang pag-asa,ang dapat kong gawi'y nalalaman niya.Sa landas na aking pinagdaraanan,may handang patibong ang aking kaaway.

4. Sa aking paligid, nang ako'y lumingon,wala ni isa man akong makatulong;wala kahit isa na magsasanggalang,ni magmalasakit na kahit sinuman.

5. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing,sa Tagapagligtas, ako'y dumalangin;tunay na ikaw lang mahalaga sa akin.

Mga Awit 142