Mga Awit 139:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo,ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo'y di ko gusto.

22. Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam,sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway.

23. O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip,subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;

24. kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid,sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Mga Awit 139