1. Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.
2. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
3. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
4. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'yalam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
5. Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras,ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat.
6. Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay,di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.