1. Sa pampang ng mga ilog nitong bansang Babilonia,kami'y nakaupong tumatangis, sa tuwing Zion, aming naaalala.
2. Sa sanga ng mga kahoy, sa tabi ng ilog nila,isinabit namin doon, yaong dala naming lira.
3. Sa amin ay iniutos ng sa amin ay lumupig,na aliwin namin sila, ng matamis naming tinig,tungkol sa Zion, yaong paksa, niyong nais nilang awit.