Mga Awit 135:6-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa,at kahit sa karagatan, ang anumang panukala,ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

7. Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig,maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis;sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip.

8. Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay,maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay.

9. Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga,upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.

Mga Awit 135