4. Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod,ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.
5. Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila,higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana;
6. anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa,at kahit sa karagatan, ang anumang panukala,ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.
7. Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig,maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis;sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip.
8. Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay,maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay.
9. Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga,upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.
10. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa,at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa.