Mga Awit 125:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala,kailanma'y di makikilos, hindi mauuga.

2. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok,gayon nagtatanggolsa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

3. Taong masasamaay di hahayaang laging mamahala,pagkat maaaring ang mga pinili, mahawa sa sama.

4. Ang mga mabait na tapat sumunod sa iyong kautusan,sana'y pagpalain mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay.

Mga Awit 125