Mga Awit 119:92-96 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

92. Kung ang iyong kautusa'y di bukal ng aking galak,namatay na sana ako sa dinanas na paghihirap.

93. Ang utos mo'y susundin ko, di ito tatalikuran,pagkat dahil sa utos mo, ako ngayo'y nabubuhay.

94. Ang lingkod mo'y iyong-iyo, kaya ako ay iligtas,ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap.

95. Nag-aabang ang masama, upang ako ay mapatay,ngunit ako'y magbubulay sa bigay mong kautusan.

96. Nabatid kong sa daigdig, walang ganap na anuman,ngunit ang iyong mga utos walang hanggan yaong saklaw.(Mem)

Mga Awit 119