Mga Awit 119:143-146 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

143. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin,ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw.

144. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan,bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay.(Qof)

145. Buong pusong tumatawag itong iyong abang lingkod;ako'y iyong dinggin, Yahweh, at susundin ko ang utos.

146. Tumatawag ako, Yahweh, sa iyo ay dumaraing,iligtas mo ako ngayon nang ang utos mo ay sundin.

Mga Awit 119