125. Bigyan mo ng pang-unawa itong iyongabang lingkod,upang aking maunawa ang aral mo't mga utos.
126. Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos,nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos.
127. Mahal ko ang iyong utos nang higit pa kaysa ginto,kaysa gintong dinalisay, utos mo'y isinapuso.
128. Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod,pagkat ako'y namumuhi sa anumang gawang buktot.(Pe)
129. Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo;lahat aking iingata't susundin nang buong puso.
130. Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw,nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.
131. Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,na matamo yaong aking minimithing kautusan.
132. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin,at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin.