Mga Awit 119:111-115 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

111. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan,sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

112. Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan,susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.(Samek)

113. Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat,ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.

114. Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang,ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.

115. Kaya kayong masasama, ako'y inyo nang lubayan,pagkat ang utos ng Diyos, hindi ko tatalikuran.

Mga Awit 119