1. Purihin si Yahweh!Dapat na magpuri ang mga alipin,ang ngalan ni Yahweh ay dapat purihin.
2. Ang kanyang pangalan ay papupurihan,magmula ngayo't magpakailanman,
3. buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,ang ngalan ni Yahweh, dapat papurihan.
4. Siya'y naghahari sa lahat ng bansa,lampas pa sa langit ang pagkadakila.