Mga Awit 109:4-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Bagaman sila'y minahal ko, masama rin ang paratang,kahit ko pa idalangin, masama pa rin yaong bintang.

5. Sa mabuting ginawa ko, iginanti ay masama,kapalit ng pag-ibig ko ay galit at alipusta.

6. Ang itapat mo sa kanya'y masama ring tulad niya,kaaway ang pausigin, nang magtamo ng parusa,

7. pagkatapos na malitis, bayaan mo na magdusa,kahit siya manalangin, huwag mo nang dinggin pa.

8. Ang dapat ay paikliin tinataglay niyang buhay,kuhanin ng ibang tao maging kanyang katungkulan.

9. Silang mga anak niya ay dapat na maulila,hayaan mong maging biyuda, itong giliw nilang ina.

10. Bayaan ang mga supling, maglakad at mamalimos,sa nawasak na tahanan palayasin silang lubos.

Mga Awit 109