Mga Awit 109:25-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Ang sinumang makakita sa akin ay nagtatawa,umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita.

26. Tulungan mo ako, Yahweh, sana naman ay iligtas,dahilan sa pag-ibig mong matatag at di kukupas.

27. Bayaan mong makilala na ikaw ang nahahabag,ipakita sa kaaway na ikaw ang nagliligtas.

Mga Awit 109