Mga Awit 107:18-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Anumang pagkainna makita nila'y di na magustuhan,anupa't sa anyo,di na magluluwat ang kanilang buhay.

19. Sa ganoong lagay,sila ay tumawag kay Yahweh,tinulungan silaat sa kahirapan, sila ay tinubos.

20. Sa salita lamangna kanyang pahatid sila ay gumaling,at naligtas silasa kapahamakang sana ay darating.

21. Kaya't dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

22. Dapat ding dumulog,na dala ang handog ng pasasalamat,lahat ng ginawaniya'y ibalita, umawit sa galak!

23. Mayroong naglayagna lulan ng barko sa hangad maglakbay,ang tanging layuninkaya naglalayag, upang mangalakal.

Mga Awit 107