1. Purihin si Yahweh!Pasalamatan siya sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
2. Sinong mangangahas upang magpahayag na siya'y dakila?Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?
3. At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan,na gawang matuwid ang adhika sa buo niyang buhay.
4. Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo'y iyong nagunita,sa pagliligtas mo, ang abâ mong lingkod isama mo sana;
5. upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,kasama ng iyong bansang nagagalak, ako'y magdiriwang.
6. Nagkasala kami, tulad ng ginawa ng aming magulang,ang aming ginawa'y tunay na di tama, pawang kasamaan.