Mga Awit 105:33-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

33. Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos,ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.

34. Isang utos lamang at biglang dumating ang maraming balang,langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang.

35. Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain,sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain.

36. Ang mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay,kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.

Mga Awit 105