Mga Awit 102:6-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang,para akong kuwago sa dakong mapanglaw;

7. ang aking katulad sa hindi pagtulog,ibon sa bubungang palaging malungkot.

8. Sa buong maghapon, ang kaaway ko, nililibak ako, kinukutyang todo;gamit sa pagsumpa'y itong pangalan ko.

9. Pagkain ko'y abo at hindi tinapay,luha'y hinahalo sa aking inuman.

10. Dahil sa galit mo, aking Panginoon,dinaklot mo ako't iyong itinapon.

11. Ang buhay kong taglay ay parang anino;katulad ko ngayo'y natuyo nang damo.

12. Ngunit ikaw, Yahweh, ay haring walang hanggan,di ka malilimot ng buong kinapal.

13. Ikaw ay mahabag, tulungan ang Zion,pagkat dumating na ang takdang panahon,sa kalagayan niya ay dapat tumulong.

14. Mahal pa rin siya ng iyong mga lingkodbagama't nawasak at gumuhong lubos.

15. Ang lahat ng bansa kay Yahweh ay takot,maging mga hari sa buong sinukob.

16. Itatayong muli ni Yahweh ang Zion,kaluwalhatian niya'y mahahayag doon.

17. Daing ng mahirap ay iyong papakinggan,di mo tatanggihan ang kanilang kahilingan.

18. Ito'y masusulat upang matunghayan,susunod na lahing di pa dumarating; ikaw nga, O Yahweh, ang siyang pupurihin.

19. Mula sa itaas, sa trono mong banal,ang lahat sa lupa'y iyong minamasdan.

20. Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,upang palayain sa hirap na taglay.

21. Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag;at sa Jerusalem pupurihing ganap

Mga Awit 102