Mga Awit 102:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Kung ako'y tumaghoy ay ubod nang lakas,yaring katawan ko'y buto na at balat.

6. Tulad ko'y mailap na ibon sa ilang,para akong kuwago sa dakong mapanglaw;

7. ang aking katulad sa hindi pagtulog,ibon sa bubungang palaging malungkot.

8. Sa buong maghapon, ang kaaway ko, nililibak ako, kinukutyang todo;gamit sa pagsumpa'y itong pangalan ko.

9. Pagkain ko'y abo at hindi tinapay,luha'y hinahalo sa aking inuman.

10. Dahil sa galit mo, aking Panginoon,dinaklot mo ako't iyong itinapon.

Mga Awit 102