20. Iyong dinirinig ang pagtataghuyan ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,upang palayain sa hirap na taglay.
21. Anupa't ang iyong ngala'y mahahayag, sa Zion, O Yahweh, ika'y itatanyag;at sa Jerusalem pupurihing ganap
22. kapag ang mga bansa ay nagsasama-samasa banal na lunsod upang magsisamba.
23. Ako'y pinanghina, sa aking kabataan;pakiramdam ko ay umikli ang buhay.
24. Itong aking hibik, O aking Diyos,huwag mo sanang kunin sa ganitong ayos!Ang buhay mo, Yahweh, walang katapusan;
25. nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,at ang mga kamay mo ang siyang lumikha sa kalangitan.
26. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas,at tulad ng damit, lahat ay kukupas;sila'y huhubaring parang kasuotan.