9. Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya.
10. Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila'y magkakasalong kumain.
11. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?”