Mateo 9:25-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus sa kuwarto, hinawakan niya sa kamay ang bata at ito'y bumangon.

26. Ang pangyayaring ito ay ipinamalita ng mga tao sa buong lupaing iyon.

27. Pag-alis ni Jesus doon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila habang nasa daan, “Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!”

Mateo 9