Mateo 8:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Isa naman sa mga alagad ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ko ang aking ama?”

22. Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Maglingkod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.”

23. Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad.

24. Habang sila'y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka.

Mateo 8