Mateo 7:15-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. “Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.

16. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman?

17. Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno.

Mateo 7