Mateo 5:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad

2. at sila'y tinuruan niya.

3. “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.

4. “Mapalad ang mga nagdadalamhati,sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

5. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá,sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

6. “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,sapagkat sila'y bubusugin.

7. “Mapalad ang mga mahabagin,sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

8. “Mapalad ang mga may malinis na puso,sapagkat makikita nila ang Diyos.

Mateo 5