Mateo 4:11-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila.

12. Nang mabalitaan ni Jesus na ibinilanggo si Juan, bumalik siya sa Galilea.

13. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan, kundi sa bayan ng Capernaum na nasa baybayin ng Lawa ng Galilea na sakop ng Zebulun at Neftali.

14. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,

15. “Lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali,daanang papunta sa lawa, sa ibayo ng Jordan,sa Galilea ng mga Hentil!

Mateo 4