43. Nananalig siya sa Diyos, at sinasabi niyang siya ang Anak ng Diyos. Tingnan natin kung ililigtas siya ng Diyos!”
44. Nilait din siya ng mga magnanakaw na ipinakong kasama niya.
45. Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain.
46. Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”