Mateo 26:11-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Sapagkat habang panaho'y kasama ninyo ang mga mahihirap, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon.

12. Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin.

13. Tandaan ninyo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, babanggitin ang ginawa niyang ito bilang pag-alaala sa kanya.”

14. Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari.

15. “Ano po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak.

Mateo 26