Mateo 22:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinhaga. Sinabi niya,

2. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

3. Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang dumalo.

Mateo 22