Mateo 21:41-44 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

41. Sumagot sila, “Lilipulin niya ang mga masasamang iyon at paaalagaan ang ubasan sa ibang katiwala na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.”

42. Nagpatuloy si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahayang siyang naging batong-panulukan.Ginawa ito ng Panginoon,at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’

43. “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong tapat na maglilingkod sa kanya.

44. Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.”

Mateo 21