Mateo 2:21-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Kaya't bumangon nga si Jose at iniuwi sa Israel ang kanyang mag-ina.

22. Ngunit nang mabalitaan niyang naghahari sa Judea si Arquelao na anak ni Herodes, natakot siyang pumunta roon. At dahil binigyan siya ng babala sa kanyang panaginip, sila ay tumuloy sa Galilea,

23. at doon nanirahan sa bayan ng Nazaret. Sa gayon, natupad ang sinabi ng mga propeta: “Siya'y tatawaging Nazareno.”

Mateo 2