Mateo 15:12-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Pagkatapos, lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, “Hindi po ba ninyo alam na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo?”

13. Sumagot siya, “Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin.

14. Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay ng mga bulag; at kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”

15. Sinabi sa kanya ni Pedro, “Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhagang ito.”

Mateo 15