Marcos 15:32-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Makita lamang nating bumabâ sa krus ang Cristo na iyan na Hari daw ng Israel, maniniwala na tayo sa kanya!”Nilait din siya ng mga nakapakong kasama niya.

33. Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon.

34. Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

35. Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”

Marcos 15