1. Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan, mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Jesus, at dinala kay Pilato.
2. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato.“Ikaw na ang may sabi,” tugon naman ni Jesus.
3. Nagharap ng maraming paratang ang mga punong pari laban kay Jesus
4. kaya't siya'y muling tinanong ni Pilato, “Wala ka bang isasagot? Narinig mo ang dami ng kanilang paratang laban sa iyo.”
5. Ngunit hindi pa rin sumagot si Jesus, kaya't nagtaka si Pilato.
6. Tuwing Pista ng Paskwa, si Pilato ay nagpapalaya ng isang bilanggo, sinumang hilingin sa kanya ng mga taong-bayan.
7. May isang bilanggo noon na ang pangalan ay Barabbas. Kasama siya sa mga nagrebelde, at nakapatay siya noong panahon ng pag-aalsa.
8. Nang lumapit ang mga tao kay Pilato upang hilingin sa kanya na gawin niya ang dati niyang ginagawa,
9. tinanong sila ni Pilato, “Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?”
27-28. May dalawang tulisang kasabay niyang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
42-43. Nang dumidilim na, dumating si Jose na taga-Arimatea, isang iginagalang na kasapi ng Sanedrin. Siya rin ay naghihintay na maghari ang Diyos. Dahil iyon ay Araw ng Paghahanda, o bisperas ng Araw ng Pamamahinga, naglakas-loob siyang lumapit kay Pilato upang hingin ang bangkay ni Jesus.