Marcos 14:69-71 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

69. Nakita na naman siya ng babaing katulong at sinabi sa mga naroon, “Ang taong ito'y isa sa kanila!”

70. At muling nagkaila si Pedro.Makalipas ang ilang sandali, sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, “Talagang isa ka nga sa kanila. Taga-Galilea ka rin, hindi ba?”

71. “Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.

Marcos 14