Marcos 13:35-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

35. Gayundin naman, magbantay kayong lagi dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng sambahayan. Ito'y maaaring sa takipsilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga.

36. Baka siya'y biglang dumating at maratnan kayong natutulog.

37. Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat. Maging handa kayo!”

Marcos 13