Marcos 10:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae.

7. ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa

8. at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa.

9. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”

10. Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito.

Marcos 10