Marcos 10:50-52 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

50. Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.

51. “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus.Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.”

52. Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.”Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.

Marcos 10